Parang kay tagal na nating nagkakakila dito sa GFW pero dalawang buwan pa lang pala ang grupong ito na ginawa noong lang March 24, 2011. Sa loob ng dalawang buwan ay marami na tayong isyu na napag-usapan. May bangayan, may insultuhan, may briuan at tawanan. May mga umalis at mayron din namang nadagdag, may bumalik at mayroon ding naman, nanahimik na lang at pinili na lang magbasa, kaysa mag komento. Ganun paman ako po’y ay natutuwa sa ating mga talakayan dito, may panahon na excited akong buksan ang aking computer para makita ang mga batuhan ng kumento, lalong lalo na sa mga isyung; “Pagkakaisa “,“totoong” history, SEC, Politika, at ang hindi mamatay-matay na isyu ng mga faction at personal na interes ng mga leader nito.
Sinadya ko pong balikan ang mga isyung ito, at ipunin ang aking mga saloobin sa isang artikulo. Ina-anyayahan ko rin ang ibang mga kapatid/membro dito sa GFW, na gawin din ito at i-save natin as “Document” ng GFW , sa pamamagitan ng pag-click ng “Create a DOC” na link sa bandang kanan ng ating wall.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Ito po ang aking pagbabalik tanaw:
Sa isyu ng PAGKAKAISA.
Kung balikan natin ang ating kasasayan ay maramig beses na pong sinubukan ng ating mga pinuno na tayo ay magkaisa.
1. Taong 1998. Ang PGI na sinimulan ng mga kapatid natin sa Mindanao.
2. Taong 2000. Ang PGBI, na pinamunuan, ni GMF Ambraham and GS Gringo Honasan.
3. Taong 2003. Ang UGP (Partilyst), na pinamunuan ni SGF Sierra Bibit (Peace be with him) na sinupurtahan ng GBI Mainstream (Magkasama pa ang GBI mainstream,DGMI at ang grupo namin)
4. Taong 2009 to present (kung di ako nagkakamali). Ang GII, na pinamuan ni GMF Ambraham / SGF Delta Lim.
Ang mga naunang tatlo ay pumalpak, imbis na nagka-isa ay nagkawatak-watak pa lalo. Ang GII naman ay may pag-asa pa, pero kung sa eleksyon palang ay di magkaintindihan dahil, “Walang Kurom”, “Dirty-Politiks”“May hooks pokos”, ay di natin maiwasan na mag-duda sa kung ano ang kahinatnan nito.
Bakit po ba hindi nag-tagumapay ang naunang tatlo (PGI,PGBI,UGP)? Napaka- simple lang ho ng sagot, at ako’y nagtataka kung bakit hindi ito makita ng mga ating mga pinuno, at ngayon ay inu-ulit naman. Ang unang tatlo po ay tinatag lang for the SAKE of “unification” at HINDI namang talaga na-address ang mga problema na dahilan kung bakit humiwalay o nagtayo ng sariling faction ang mga leader nito. Ang PGI at PGBI ay para lang may isang CBL, ang UGP naman ay para lang sa Partilyst/politika. Ang nangyari ay parang:
“Hoy mga kapatid, halina na kayo, magkaisa na tayo, o heto ang bagong nating CBL ha.. hmmm ito na ang sundin natin, heto ang ating mga pinuno, at ito na ang GUARDIANS simula ngayon.”
“Hoy mga kapatid, magkaisa na tayo kasi tatakbo tayo ng partilyst at para sa atin ito lahat”
Hanbang ang huli naman ay ito ang sigaw:
“Hoy! mga kapatid kung magkakaisa tayo, may kapangrihan akong pagisahin kayo dahil ako ang ama, at ako ang simula. ”
Hindi naman po talaga iyan ang isaktong pagkasabi nila, pero sa loob-loob ko ito ang “tema” o dating ng mga unification na tinaguyod ng mga namuno dito. Ngunit ang tanong, na-address ba ang mga dating problema? Sigurado ako HINDI!
May nag sabi ba na:
“bro kasi ito ang gusto mo, di ganito ang gawin natin, okay ka ba dyan bro? “ ::: “Ikaw bro, ganito ang gusto mo diba, okay ganito gawin natin bro ha. Sang-ayon ka ba jan bro? ::: “Okay Sang-ayon na ba ang lahat?” ::: “Pwede na ba tayong magka-isa?”.
Mga kapatid para sa akin ang pagkaka-isa ng GUARDIANS ay dapat HINDI dahil lang sa “for the sake of UNIFYING”. Sabi nga ng isang kapatid from PGBI; it shouldn’t even be based on our loyalty to our patrons, na kadalasan nangyari. Para sa akin, ang unification ng GUARDIANS ay dapat ihambing natin sa; “Isang TEA Party”.
Isipin natin na tayo ay may maraming bisita na darating sa ating bahay para sa isang “tea party” o “coffee party”. At dahil tayo ang host, ay tayo rin ang mag te-templa ng kape. Ngayon, kilala natin ang mga bisita, at alam natin na si ganito, ay ayaw ng asukal, si ganito naman at ayaw ng cream, ang iba naman ay gusto ng cream at asukal, ang iba ay asukal lang o cream lang ang gusto nila sa kape nila. Anong gagawin natin? Iinom kaya lahat kung bigyan natin sila ng 3 in 1 na kape? Hmmm, mahirap ba intindihin yun mga kapatid? Ang PGBI 22 na faction, 5 lang ata ang uminom, UGP sa sobra isang daang ang faction, marami ang di uminom. Ang GII, 79 na faction, sa eleksyon 28 lang daw ang dumating. History keeps repeating itself, nagbubulag-bulagan bah tayo? O sadyang may ibang interes lang talaga na involved kaya sadyang nililihis natin ang dapat na pagtu-onan ng pansin sa UNIFICATION na gagawin natin?
Bakit di nalang natin bigyan ng tasa at mainit na tubig ang mga bisita, Ilagay sa mesa ang kape, gatas, cream at asukal, at hayaan na silang mag templa ayon sa kanilang kagustuhan. Ang importante, iisang klaseng tubig na pinakulaan natin ang iniinom ng lahat, at pinaka mahalaga, ay iisang brand na kape, asukal, cream at gatas ang pinag-templa natin. Sasaya ang lahat, at tyak ko mapapasarap ang mga usapan.
Sa UNIFICATION na hinangad ng mga GUARDIANS: Bakit hindi nalang natin hanapin ang sinasabi palagi ng ating mga guro sa elementary na ; “Find the Common Denominator”. Hindi naman po mahirap iyon di po bah. Lumingon kalang sa kanan at dumungo at kitang-kita mo na ito, .. Nakatatak iyan sa ating mga balikat. GUARDIANS! Hindi po SEC registration at mga CBL ang naka-tatak jan, kundi GUARDIANS,.. At dahil dyan, ..magkakaiba man tayo ng mga organisasyon, tayo ay naniniwala na magkakapatid ang lahat. Tama po bah mga kuya? TAMA!
Kung gayun, bakit di nalang natin kilalanin ang lahat ng mga faction, at umupo ang lahat ng mga leader sa isang mesa. Hindi para gumawa ng CBL! Hindi para gumawa ng Bago nanamang ORGANISASYON! Hindi para tumakbo ng partilyst! Hindi para mag Election! -- KUNDI para MAGUSAP-USAP Bilang mga MAGKAKAPATID, at Kilalanin at alamin ang gusto ng bawat isa. Kung may nakaraang di pagkaindindihan mag reconcile at mag patawaran. Pag-usapang ang pagbuo ng permanente at independete ng linya ng Komunikasyon para sa lahat, at higit sa lahat magkusundo na. Huwag makialam sa kung pano nila itempla ang kanilang kape. I-respeto ang mga internal na desisyon at processo ng bawat organisasyon.
Huwag na nating itong gawing kumplekado at napaka technical kagaya ng 3 n 1 na kape. Sabi nga ng isang rapper eh; “BREAK IT DOWN!”.
Sa isyu ng “TOTOONG HISTORY”.
Para sa akin ang sanhi ng pagkawatak at pagdami ng mga faction ay dahil sa limitadong kaalaman ng mga bagong membrong katulad ko, sa kung ano ba talaga ang nagyari nung mga nakaraang panahon. Sa mga indoktirnation iba-iba siguro ang mga kwento. Malamang, ang iba ay mali mali dahil wala naman talagang alam ang nag kwento, habang ang iba naman ay sadyang binago o pinaganda para sa namumuno nito. Ang grupo po namin sa Singapore ay binubuo ng mga membrong galling sa iba’t ibang faction. May.. EGPII, PDGI, GBI GMB (Libra Go), GBI Goyong/Torch, GCFI, PGBI at isang GBI pero hindi alam aling grupo sya. Hehehe. Sa unang meeting namin, ay pinag-usapan namin ang aming mga doktrina at mga tatak, at ang pagkakaiba nila. Dito ko nalaman na isang version lang pala ng history ang alam ko, hehehe.
Bakit ba importante na malaman ang totoong kasaysayan? Simple lang mga kapatid: Kunwari ay sumakit ang iyong tiyan, kaya pumunta ka sa Doktor at magpatigin. Ang itatanong na doctor sa iyo ay hindi kung ano, ang plano mong gawin bukas. Kung di: Anong kinain mo kanina? Kailan ka huling nagbanyo? Ano ininom kanina? Mga tanong sa kung ano ginawa o nagyari sayo bago ka pa nagkasakit,… at kung mali o hindi tama ang ibigay mong sagot, ay sigurado akong mali rin ang “diagnosis” ng Doktor. At tiyak din na di ka gagaling bagkus ay baka lumala pa ang iyong karamdaman.
Ang GUARDIANS din ay may karamdaman, sabi nga ng iba ay CANCER na. Bago pa ang GFW naniniwala ako na CANCER na nga siguro kasi palala ng palala. Pero nung nagsimula ang mga balitak-takan ditto, ay medyo nagging mas “Optimistic” ako. Sa tingin ko ay mali lang siguro ang inii-inom nating gamot, dahil nga mali mali rin ang pagkakalam natin sa kung ano ang sanhi na ating karamdaman . At kung, balikan natin ang ating nakaraan para hanapin saan nagsimula ang sakit, tyak ko na hindi man gumaling kaagad ay at least malalaman natin kung ano ang gamot na ating dapat inumin.
Sa isyu ng SEC REGISTRATION.
Ang pag rehistro po sa SEC ng isang grupo ay isang pormalidad lang. Ito po ay ginagawa lang natin upang kilalanin ng batas ng Pilipinas ang ating hangarin at mga layunin bilang isang oganisasyon. Ginagamit natin ito sa mga:
1. Pag issue ng ID cards. Na kadalasan over priced.
2. Sa mga “Tie Ups” , sa mga proyekto ng local na pamahalaan na kasadalasan pampogi points lang naman talaga.
3. Sa mga bank account ng organisasyon; Kadalasan din hindi naman nasisidlan kasi wala naman talaga pera.
4. Mga proyektong insurance sa mga membro at iba pa.
Ang SEC registration ay mahalga sa isang organisasyong kagaya ng GUARDIANS, pero hindi naman talaga jan lang nakadepende ang ating mga layunin bilang TAGAPANGTANGGOL ng BAYAN at LIPUNAN. Mas madalas pa nga na gamitin itong pang-yabang o bragging rights, sa mga discussion at mga forums sa internet. Sa isang nga na nabasa ko ginagamit daw rin itong panglimos ng donasyon sa ibang bansa, kaya minsan may namimike narin. Kung pagsilbi ang ating gusto talagang gawin ay hindi naman talaga iyan kailangan. Sa katunayan imbis sa pag-silbi, ay ginagamit pa ito na pananmantala at sa panglilinlang.
Ang mga CBL sa kapartner palagi ng SEC Registration. Ito naman po ay guidelines lang talaga, at sa totoo lang , hindi naman talaga natin yan nasusunod lahat. Sabi nga ni GS Gringo sa isang talumpati tunkol sa Saligang Bata ng bansang Britanya (UK) na :
“Hindi ito nakasulat, Pero, nakaukit ito sa isang permanenteng pamamaraan – sa puso, .. sa utak,.. sa kaisipan, sa diwa at sa buong pagkatao noong mga mamamayan sa Great Britain. Kung papaano sila naging makapangyarihan, kung papaano naramdaman ang impluensiya nila sa buong mundo, siyang magpapatunay na ang isang Saligang Batas ay hindi kailangang isulat sa papel.”
Napakaganda ng pagkasulat ng ating mga CBL, Lalong lalo na kung isa-puso ito ng lahat ng membro. Ngunit, siguro sa Isang libong membro ng isang samahan, swerte na kung may isa o dalawang tao na memoryado o at least malawak ang kaalaman sa CBL nila (Miski ako hindi), dahil kadalasan wala naman talagang pakialam ang mga ordinaryong membro dito. Mas madalas pa sigurong gamitin ito na laban sa isat-isa, katulad ng mga “expulsion” kaysa isa puso ito. At Binabago na lingid sa kaalaman ng mga membro para protekhan ang mga personal na interes ng mga namumuno sa organisasyon.
Mas maganda po na ang isang grupo o faction ay kumuha ng SEC registration, basta wag lang ito sanang gawing “Hobby” at gamitin sa panglilinlang at mga personal na pakinabang.
Sa isyu ng POLITIKA.
Karamihan na itinataguyod ngayong pagkakaisa o pakikipag alyansa ay obvious naman na politika lang ang totoong motibo. Bakit di nalang natin itong hayagan aminin, ipa-alam sa mga kapatid sa ibang grupo. Sabihin sa kanila ang tootong motibo at ipa intindi, para hingin ang kanilang supurta. Kung “genuine” naman ang hangarin, bakit ito hindi sabihin ng hayagan.
Bakit tayo takot na aminin na, kung tayo ay sumabak sa politika ay mas magiging epektibo tayo sa ating mga layuinin. Hindi lang siguro natin lubas naintidinhan pero ginawa natin ito minsan. 1986, at 1989. Sumama ang mga kapatid sa rebulosyun, at pinaglaban natin ang ating paniniwalang politkal, Dalawang pangulo gusto nating pababain at palitan. DI HO BA POLIKA YUN? Nagtagumpay ang una pero pumalpak ang pangalawa. Maraming kapatid ang nawalan ng pangkabuhayan, ang iba nasira ang pamilya, dahil nakulong, at ang iba pa nga ay nagdurusa pa rin hanggang ngayon.
HINDI PO TOTOO, na APOLITKAL ang GUARDIANS. Matagal na tayong namumulitika, sa hindi nga lang matuwid na paraan, kundi sa pamamagitan ng rebellion at kaharasan. Nang ginawan nang paraan ng pamahalaan na marining ang boses ng mga grupong katulad natin na may pambasang adbokasiya at inaprobahan ang PARTYLIST system. Nakilahok tayo, sa pamamagitan ng UGP. ngunit dahil malalim na sugat ng ating pagka watak watak, hindi ito nagtagumpay. Mas nagtagumpay pa ang KOMUNISTA na hindi naniniwala sa mga DEMOKRATIKONG processo katulad ng halalan. Nakakahiya.
Hindi masama pumasok sa politika, pero dapat ito ay ipa-alam sa boung kapatiran, Ipa-intindi ng maayos, kasi kung ito naman ay tootoong ayun sa ating mga adhikain bilang iisang GUARDIANS., ay hindi na siguro kaliangan gumawa pa panibagong ORGANISASYON at manatak ng bagong membro , para supurtahan lang ito. Sa huling bilang, 5 Milyon (estimate) na daw ang GUARDIANS, Kahit gumawa pa tayo ng dalawampung partilyst, tsak pasok lahat yan, kung daanin sa magandang usapan at totoo naman na para ito sa buong kapatiran.
Sa isyu ng mga FACTION at PERSONAL na INTERES.
Pag-iisahin ko na lang po yan kasi lagi namang magkasama iyan. Mga kapatid , lahat naman po tayo ay may personal na interes. Ako po ay, personal na interes ko ang magbasa at masulat, hindi lang po para sa kapatiran kundi mga isyu o information na akoy intresadong malaman at ipa-alam. Personal na interes ko rin po ang PERA, kaya po ako nag-abroad, para kumita ng mas malaki para sa aking pamilya. Iyan po ang ibig sabihin ng “Personal na Interes”.
Sa GUARDIANS naman ay medyo nag –iba na ang ibig sabihin nito, mga personal na interes ay dinala na sa organisasyon, ang iba na may personal na interes sa pera, ay nagtayo ng faction kumuha ng SEC, nag-pa ID, nagpabayad ng membership fee, at kung ano-anu pang pagkakakitaan. Para di umano sa kapatiran, pero minsa ay nabulbulsa at nagagamit sa personal na pangangailangan o dikay mga luho o mga bisyo. Pumepreno po ako dito, kasi HINDI naman lahat. Ang matamaan, wag nalang mag react at baka mabisto pa kayo.
Ang iba naman, gustong mag politika, o dikayay makipag-gamitan sa politico. Nagtayo ng faction at nanatak ng mga rehistradong botante sa kanilang mga lunsod, siudad o provincia. Kung manalo, maganda at kahit papano ay may nagagwang tulong sa mga membro, pag talo naman eh, Magmemeting sa susunod naman na election. May isa ngang faction na nasa CBL pa, na ang lahat ng membro ay recruit din kahit sino nilang kakilala, paramihan na lang, politico kasi ang leader. Uulitin ko po, na hindi ko po nilalahat ang mga faction, marami lang talgang ganun.
Ang iba naman ay personal na interes ang kasikatan at kapangyarihan, gumawa rin ng faction at napapakilalang leader, nanglilinlang at kadalasan ay naninira pa sa mga leader ng ibang grupo. Marami ding ganito.
KONKLUSYON:
Mga kapatid, may pag-asa pa. Ang sabi ko nga sa isang post ko ay, kaunti lang ang mga GUARDIANS na huwad at nagkkunwaring kapatid, mas marami pa rin sa atin na malilinis at gusto ay pagbabago. Iilan lang ang mga msasama, at mas marami ang mabubuti , DUMADAMI LANG MGA MASASAMA, DAHIL SA PATULOY NA PANANHIMIK ng mga MABUBUTI. Lalong lalo ang mga walang ka muwang muwang na bagong henerasyon na nadamay nalang sa mga kagaguhan ng mga mas nakakatanda, at kung hindi pa dahil sa mga forum na katulad nito ay hindi nalaman ang mga totoong isyu ng GUARDIANS.
Ako po ay nanalangin na mas marami pa ang mag-salita katulad ng ginagawa ko. Wag po tayong mahiya o matakot na tayo ay kutyain at pagtawanan. Isang pangaral po ng aking ama na hinding-hindi ko makakalimutan, at gusto ko ring ibahagi sa inyo: “KNOW WHERE YOU STAND and STAND FIRM” . Nanalangin din ako na hindi lang sana sa wall na ito magtapos ang ating pinag-uusapan, dalhin natin ito sa ating mga nasasakupan, at ipa intindi sa mga bagong membro na;: Ang GUARDIANS ay hindi pipitsuging organisasyon lamang. Ang GUARDIANS ay isang KAPATIRAN! Kapatiran na di napuputol ng mga pirasung papel. Kapatiran na hindi nabuo dahil sa mga SEC Registration lang. Kundi kapatiran na may totong malasakit sa isat-isat, sa Dios at sa bayan!
Mabuhay ang GUARDIANS FREE WALL!
MABUHAY ang mga GUARDIANS!
Henry “RMG Haze II” Dedicatoria
GUARDIANS SINGAPORE
No comments:
Post a Comment