Tuesday, May 24, 2011

RMG Haze Jr. on GFW.


Parang kay tagal na nating nagkakakila dito sa GFW pero dalawang buwan pa lang pala ang grupong ito na ginawa noong lang March 24, 2011.  Sa loob ng dalawang buwan ay marami  na tayong  isyu na napag-usapan.  May bangayan, may insultuhan,  may briuan at tawanan.   May mga umalis at mayron din namang  nadagdag, may bumalik at mayroon ding naman, nanahimik na lang at pinili na lang magbasa, kaysa mag komento.   Ganun paman ako po’y ay natutuwa sa ating mga talakayan dito, may panahon na excited akong buksan ang aking computer para makita ang mga batuhan ng kumento, lalong lalo na sa mga isyung;  “Pagkakaisa “,“totoong” history, SEC, Politika, at ang hindi mamatay-matay na isyu ng mga faction at personal na interes ng mga leader nito.

Sinadya ko pong balikan ang mga isyung ito, at ipunin ang aking mga saloobin sa isang artikulo.   Ina-anyayahan ko rin ang ibang mga kapatid/membro dito sa GFW,  na gawin din ito at i-save natin as “Document” ng GFW , sa pamamagitan ng pag-click ng “Create a DOC” na link sa bandang kanan ng ating wall. 

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Ito po ang  aking pagbabalik tanaw: 


Sa isyu ng PAGKAKAISA. 


Kung balikan natin ang ating kasasayan  ay maramig beses na pong sinubukan ng ating mga pinuno na tayo ay magkaisa.

1. Taong 1998. Ang PGI na sinimulan ng mga kapatid natin sa Mindanao.

2. Taong 2000. Ang PGBI, na pinamunuan, ni GMF Ambraham and GS Gringo   Honasan.

3. Taong 2003. Ang UGP (Partilyst), na pinamunuan ni SGF Sierra Bibit (Peace be with him)  na sinupurtahan ng  GBI Mainstream (Magkasama pa ang GBI mainstream,DGMI at ang grupo namin)

4. Taong 2009 to present (kung di ako nagkakamali). Ang GII, na pinamuan ni GMF Ambraham / SGF Delta Lim.

Ang mga naunang tatlo ay pumalpak,  imbis na nagka-isa ay nagkawatak-watak pa lalo. Ang GII naman ay may pag-asa pa, pero kung sa eleksyon palang ay di magkaintindihan dahil, “Walang Kurom”, “Dirty-Politiks”“May hooks pokos”, ay di natin maiwasan na mag-duda sa kung ano ang kahinatnan nito. 
 
Bakit po ba hindi nag-tagumapay ang naunang tatlo (PGI,PGBI,UGP)?  Napaka- simple lang ho ng sagot, at ako’y nagtataka kung bakit hindi ito makita ng mga ating mga pinuno,  at ngayon ay inu-ulit naman.  Ang unang tatlo po ay tinatag lang for the SAKE of “unification” at HINDI namang talaga na-address ang mga problema na dahilan kung bakit humiwalay o nagtayo ng sariling faction ang mga leader nito.  Ang PGI at PGBI ay para lang may isang CBL, ang UGP naman ay para lang sa Partilyst/politika.   Ang nangyari ay parang:

 “Hoy mga kapatid, halina na kayo, magkaisa na tayo, o heto ang bagong nating CBL ha.. hmmm ito na ang sundin natin,  heto ang ating mga pinuno, at ito na  ang GUARDIANS simula ngayon.”    

“Hoy mga kapatid, magkaisa na tayo kasi tatakbo tayo ng partilyst at para sa atin ito lahat”

Hanbang ang huli naman ay ito ang sigaw:
Hoy! mga kapatid  kung magkakaisa tayo, may kapangrihan akong pagisahin kayo dahil ako ang ama, at ako ang simula. ”

Hindi naman po talaga iyan ang isaktong pagkasabi nila, pero sa loob-loob ko ito ang “tema” o dating ng mga unification  na tinaguyod ng mga namuno dito.  Ngunit ang tanong, na-address ba ang mga dating problema?  Sigurado ako HINDI!

 May nag sabi ba na:

 bro kasi ito ang gusto mo, di ganito ang gawin natin, okay ka ba dyan bro? “  ::: “Ikaw bro, ganito ang gusto mo diba, okay ganito gawin natin bro ha. Sang-ayon ka ba jan bro?  ::: “Okay Sang-ayon na ba ang lahat?” ::: “Pwede na ba tayong magka-isa?”.

Mga kapatid para sa akin ang pagkaka-isa ng GUARDIANS ay dapat HINDI dahil lang sa “for the sake of UNIFYING”.  Sabi nga ng isang kapatid from PGBI; it shouldn’t even be based on our loyalty to our patrons, na kadalasan nangyari.    Para sa akin, ang unification ng GUARDIANS ay dapat ihambing natin sa; “Isang TEA Party”. 

Isipin natin na tayo ay may maraming bisita na darating sa ating bahay para sa isang “tea party”  o “coffee party”. At  dahil tayo ang host, ay tayo rin ang mag te-templa ng kape.  Ngayon, kilala natin ang mga bisita, at alam natin na si ganito, ay ayaw ng asukal, si ganito naman at ayaw ng cream, ang iba naman ay gusto ng cream at asukal, ang iba ay asukal lang o cream lang ang gusto nila sa kape nila.   Anong gagawin natin? Iinom kaya lahat kung bigyan natin sila ng 3 in 1 na kape? Hmmm, mahirap ba intindihin yun mga kapatid?  Ang PGBI 22 na faction,  5 lang ata ang uminom,  UGP sa sobra isang daang ang faction,  marami ang di uminom.   Ang GII, 79 na faction, sa eleksyon 28 lang daw ang dumating.   History keeps repeating itself,  nagbubulag-bulagan bah tayo? O sadyang may ibang interes lang talaga na involved kaya sadyang nililihis natin ang dapat na pagtu-onan ng pansin sa UNIFICATION na gagawin natin?

Bakit di nalang natin bigyan ng tasa at mainit na tubig ang mga bisita,  Ilagay sa mesa ang kape, gatas, cream at asukal, at hayaan na silang mag templa ayon sa kanilang kagustuhan.   Ang importante, iisang klaseng tubig na pinakulaan natin ang iniinom ng lahat, at pinaka mahalaga, ay  iisang brand na kape, asukal, cream at gatas ang pinag-templa natin.    Sasaya  ang lahat, at tyak ko mapapasarap ang mga usapan.

Sa UNIFICATION na hinangad ng mga GUARDIANS:  Bakit hindi nalang natin hanapin ang sinasabi palagi ng ating mga guro sa elementary na ; “Find the Common Denominator”.   Hindi naman po mahirap iyon di po bah.  Lumingon kalang sa kanan at dumungo at kitang-kita mo na ito, .. Nakatatak iyan sa ating mga balikat.  GUARDIANS! Hindi po SEC registration at mga CBL ang naka-tatak jan, kundi GUARDIANS,..  At dahil dyan, ..magkakaiba man tayo ng mga organisasyon, tayo ay naniniwala na magkakapatid ang lahat.  Tama po bah mga kuya? TAMA!

 Kung gayun, bakit di nalang natin kilalanin ang lahat ng mga faction,  at umupo ang lahat ng mga leader sa isang mesa.  Hindi para gumawa ng CBL! Hindi para gumawa ng Bago nanamang ORGANISASYON!  Hindi para tumakbo ng partilyst!  Hindi para mag Election! -- KUNDI  para MAGUSAP-USAP Bilang mga MAGKAKAPATID, at   Kilalanin at alamin ang gusto ng bawat isa.   Kung may nakaraang di pagkaindindihan mag reconcile at mag patawaran.   Pag-usapang ang pagbuo ng permanente at independete ng linya ng Komunikasyon para sa lahat,  at higit sa lahat magkusundo na. Huwag makialam sa kung pano nila itempla ang kanilang kape.   I-respeto ang mga internal na desisyon at processo ng bawat organisasyon. 

Huwag na nating itong gawing kumplekado at napaka technical kagaya ng 3 n 1 na kape.   Sabi nga ng isang rapper eh; “BREAK IT DOWN!”.


Sa isyu ng “TOTOONG HISTORY”.

Para sa akin ang sanhi ng pagkawatak at pagdami ng mga faction ay dahil sa limitadong kaalaman ng mga bagong membrong katulad ko, sa kung ano ba talaga ang nagyari nung mga nakaraang panahon.  Sa mga indoktirnation iba-iba siguro ang mga kwento.  Malamang,  ang iba ay mali mali dahil wala naman talagang alam ang nag kwento,  habang ang iba naman ay sadyang binago o pinaganda para sa namumuno nito.   Ang grupo po namin sa Singapore ay binubuo ng mga membrong galling sa iba’t ibang faction.  May..  EGPII, PDGI, GBI GMB (Libra Go),  GBI Goyong/Torch,  GCFI, PGBI at isang GBI pero hindi alam aling grupo sya. Hehehe.   Sa unang meeting namin, ay pinag-usapan namin ang aming mga doktrina at mga tatak, at ang pagkakaiba nila.  Dito ko nalaman na isang version lang pala ng history ang alam ko, hehehe.  

Bakit ba importante na malaman ang totoong kasaysayan?   Simple lang mga kapatid:  Kunwari ay sumakit ang iyong tiyan, kaya pumunta ka sa Doktor at magpatigin.    Ang itatanong na doctor sa iyo ay hindi kung ano, ang plano mong gawin bukas.  Kung di:  Anong kinain mo kanina?  Kailan ka huling nagbanyo?  Ano ininom kanina?  Mga tanong sa kung ano ginawa o nagyari sayo bago ka pa nagkasakit,… at kung mali o hindi tama ang  ibigay mong sagot, ay sigurado akong mali rin ang “diagnosis” ng Doktor.   At tiyak  din na di ka gagaling bagkus ay baka lumala pa ang iyong karamdaman.

Ang GUARDIANS din ay may karamdaman, sabi nga ng iba ay CANCER na.  Bago pa ang GFW naniniwala ako na CANCER na nga siguro kasi palala ng palala.  Pero nung nagsimula ang mga balitak-takan ditto, ay medyo  nagging mas “Optimistic” ako.  Sa tingin ko ay mali lang siguro ang inii-inom nating gamot, dahil nga mali mali rin ang pagkakalam natin sa kung ano ang sanhi na ating karamdaman .  At kung, balikan natin ang ating nakaraan para  hanapin saan nagsimula ang sakit, tyak ko na hindi man gumaling kaagad ay at least malalaman natin kung ano ang gamot na ating dapat inumin.


Sa isyu ng SEC REGISTRATION.

 Ang pag rehistro po sa SEC ng isang  grupo ay isang pormalidad lang.  Ito po ay ginagawa lang natin upang kilalanin ng batas ng Pilipinas ang ating hangarin at mga layunin bilang isang oganisasyon.  Ginagamit natin ito sa mga:

1. Pag issue ng ID cards. Na kadalasan over priced.

2. Sa mga “Tie Ups” , sa mga proyekto ng local na pamahalaan na kasadalasan   pampogi points lang naman talaga.

3. Sa mga bank account ng organisasyon; Kadalasan din hindi naman nasisidlan kasi wala naman talaga pera.

4. Mga proyektong insurance sa mga membro at iba pa.

Ang SEC  registration ay mahalga sa isang organisasyong kagaya ng GUARDIANS,  pero hindi naman talaga jan lang nakadepende ang ating mga layunin bilang TAGAPANGTANGGOL ng BAYAN at LIPUNAN.  Mas madalas pa nga na gamitin itong pang-yabang o bragging rights, sa mga discussion at mga forums sa internet.   Sa isang nga na nabasa ko ginagamit daw rin itong panglimos ng donasyon sa ibang bansa, kaya minsan may namimike narin.    Kung pagsilbi ang ating gusto talagang gawin ay hindi naman talaga iyan kailangan.  Sa katunayan  imbis sa pag-silbi, ay ginagamit pa ito na pananmantala at sa panglilinlang.

Ang  mga CBL sa kapartner palagi ng SEC Registration.  Ito naman  po ay guidelines lang talaga, at sa totoo lang , hindi naman  talaga natin yan nasusunod lahat.  Sabi nga ni GS Gringo sa isang talumpati  tunkol sa Saligang Bata ng  bansang Britanya (UK) na :

“Hindi ito nakasulat, Pero, nakaukit ito sa isang permanenteng pamamaraan – sa puso, .. sa utak,.. sa kaisipan, sa diwa at sa buong pagkatao noong mga mamamayan sa Great Britain.  Kung papaano sila naging makapangyarihan, kung papaano naramdaman ang impluensiya nila sa buong mundo, siyang magpapatunay na ang isang Saligang Batas ay hindi kailangang isulat sa papel.”

Napakaganda ng pagkasulat ng ating mga CBL, Lalong lalo na kung isa-puso ito ng lahat ng membro. Ngunit, siguro sa Isang libong membro ng isang samahan, swerte na kung may isa o dalawang tao na memoryado o at least malawak ang kaalaman sa CBL nila (Miski ako hindi), dahil kadalasan wala naman talagang pakialam ang mga ordinaryong membro dito.  Mas madalas pa sigurong gamitin ito na laban sa isat-isa, katulad ng mga “expulsion” kaysa isa puso ito.    At  Binabago na lingid sa kaalaman ng mga membro  para protekhan ang mga personal na interes ng mga namumuno sa organisasyon. 

 Mas maganda  po  na ang isang grupo o faction ay kumuha ng SEC registration, basta wag lang ito sanang gawing “Hobby” at gamitin sa panglilinlang  at mga personal na pakinabang.


 Sa isyu ng POLITIKA.
Karamihan na  itinataguyod ngayong pagkakaisa o pakikipag alyansa ay obvious naman na politika lang ang totoong motibo.  Bakit di nalang natin itong hayagan aminin, ipa-alam sa mga kapatid sa ibang grupo.   Sabihin sa kanila ang tootong motibo at ipa intindi, para hingin ang kanilang supurta.   Kung “genuine” naman ang hangarin, bakit ito hindi sabihin ng hayagan. 
  
Bakit tayo takot na aminin na, kung tayo ay sumabak sa politika ay mas magiging epektibo tayo sa ating mga layuinin.   Hindi lang siguro natin lubas naintidinhan pero ginawa natin ito minsan.  1986, at 1989. Sumama ang mga kapatid sa rebulosyun, at pinaglaban natin ang ating paniniwalang politkal, Dalawang pangulo gusto nating pababain at palitan. DI HO BA POLIKA YUN?  Nagtagumpay ang una pero pumalpak ang pangalawa.  Maraming kapatid ang nawalan ng pangkabuhayan, ang iba nasira ang pamilya, dahil nakulong, at ang iba pa nga ay  nagdurusa pa rin hanggang ngayon. 
 
HINDI PO TOTOO, na APOLITKAL ang GUARDIANS.  Matagal na tayong namumulitika, sa hindi nga lang matuwid na paraan, kundi sa pamamagitan ng rebellion at kaharasan.     Nang ginawan nang paraan ng pamahalaan na marining ang boses ng mga grupong katulad natin na may pambasang adbokasiya at inaprobahan ang PARTYLIST system.  Nakilahok tayo, sa pamamagitan ng UGP. ngunit dahil malalim na sugat ng ating pagka watak watak,  hindi ito nagtagumpay.   Mas nagtagumpay pa ang KOMUNISTA na hindi naniniwala sa mga DEMOKRATIKONG processo katulad ng halalan.   Nakakahiya.

Hindi masama pumasok sa politika, pero dapat ito ay ipa-alam sa boung kapatiran,  Ipa-intindi ng maayos, kasi kung ito naman ay  tootoong ayun sa ating mga adhikain bilang iisang GUARDIANS., ay hindi na siguro kaliangan gumawa pa panibagong ORGANISASYON at manatak ng bagong membro , para supurtahan lang ito.  Sa huling bilang, 5 Milyon (estimate) na daw ang GUARDIANS,  Kahit gumawa pa tayo ng dalawampung partilyst, tsak pasok lahat yan, kung daanin sa magandang usapan at totoo naman na para ito sa buong kapatiran.


Sa isyu ng mga FACTION at  PERSONAL na INTERES.  

Pag-iisahin ko na lang po yan kasi lagi namang magkasama iyan.   Mga kapatid , lahat naman po tayo ay may personal na interes.  Ako po ay, personal na interes ko ang magbasa at masulat, hindi lang po para sa kapatiran kundi mga isyu o information na akoy intresadong malaman at ipa-alam.   Personal na interes ko rin po ang PERA, kaya po ako nag-abroad, para kumita ng mas malaki para sa aking pamilya.   Iyan po ang ibig sabihin ng “Personal na Interes”. 

Sa GUARDIANS naman ay medyo nag –iba na ang ibig sabihin nito, mga personal na interes ay dinala na sa organisasyon, ang iba na may personal na interes sa pera, ay nagtayo ng faction kumuha ng SEC, nag-pa ID, nagpabayad ng membership fee, at kung ano-anu pang pagkakakitaan.  Para di umano sa kapatiran, pero minsa  ay nabulbulsa  at nagagamit sa personal na pangangailangan o dikay mga luho o mga bisyo.  Pumepreno po ako dito, kasi HINDI naman lahat.  Ang matamaan, wag nalang mag react at baka mabisto pa kayo.

Ang iba naman, gustong mag politika, o dikayay makipag-gamitan sa politico. Nagtayo ng faction at nanatak ng mga rehistradong botante sa kanilang mga lunsod, siudad o provincia. Kung manalo, maganda at  kahit papano ay may nagagwang tulong sa mga membro, pag talo naman eh, Magmemeting sa susunod naman na election.   May isa ngang faction na nasa CBL pa, na ang lahat ng membro ay recruit din kahit sino nilang kakilala, paramihan na lang, politico kasi ang leader.  Uulitin ko po, na hindi ko po nilalahat ang mga faction, marami lang talgang ganun. 

Ang  iba naman ay personal na interes ang kasikatan at kapangyarihan, gumawa rin ng faction at napapakilalang leader, nanglilinlang at kadalasan ay naninira pa sa mga leader ng ibang grupo.  Marami ding ganito.


KONKLUSYON:

Mga kapatid, may pag-asa pa.   Ang sabi ko nga sa isang post ko ay, kaunti lang ang mga GUARDIANS  na huwad at nagkkunwaring kapatid, mas marami pa rin sa atin na malilinis at gusto ay pagbabago.    Iilan lang ang mga msasama, at mas marami ang mabubuti , DUMADAMI LANG MGA MASASAMA, DAHIL SA PATULOY NA PANANHIMIK ng mga MABUBUTI.   Lalong lalo ang mga walang ka muwang muwang na bagong henerasyon na nadamay nalang sa mga kagaguhan ng mga mas nakakatanda, at kung hindi pa dahil sa mga forum na katulad nito ay hindi nalaman ang mga totoong isyu ng GUARDIANS.

Ako po ay nanalangin na mas marami pa ang mag-salita katulad ng ginagawa ko.  Wag po tayong mahiya o matakot na tayo ay kutyain at pagtawanan.   Isang pangaral po ng aking ama na hinding-hindi ko makakalimutan,  at gusto ko ring ibahagi sa inyo: “KNOW  WHERE YOU STAND and STAND FIRM” .   Nanalangin din ako na hindi lang sana sa  wall na ito magtapos ang ating pinag-uusapan,  dalhin natin ito sa ating mga nasasakupan, at ipa intindi sa mga bagong membro na;:  Ang GUARDIANS ay hindi pipitsuging organisasyon lamang. Ang GUARDIANS ay isang KAPATIRAN! Kapatiran na di napuputol ng mga pirasung papel.  Kapatiran na hindi nabuo dahil sa mga SEC Registration lang.  Kundi kapatiran na may totong malasakit sa isat-isat, sa Dios at sa bayan!

Mabuhay ang GUARDIANS FREE WALL!

MABUHAY ang mga GUARDIANS!



Henry “RMG Haze II” Dedicatoria
GUARDIANS SINGAPORE

Monday, May 2, 2011

GUARDIANS: BROTHERHOOD, Or, INCORPORATION?



The GUARDIANS brotherhood, formerly known as the DIABLO SQUAD, is one if not the biggest fraternity in terms of members, in the Philippines.   Although its entirety is vague with no common national leadership, the GUARDIANS recognize other aggrupations as a brother in mark, traced in the same roots.  
But what really is the GUARDIANS; Is it a brotherhood? Is it an Organization? Or, both?  It is Incorporation? How come it has so many names? Are all GUARDIANS aggrupations the same?  Is it one brotherhood in many organizations?  Are they called branches, or factions?





GENESIS

BROTHERHOOD or FRATERNITY: A group of people in a state of being brothers who are associated or formally organized for a common purpose, interest, or pleasure. 

In 1976, when the DIABLO SQUAD was formed through the initiative of CIC Leborio “ABRAHAM” Jangao Jr.; it was on a simple purpose which is to motivate his comrades to fight not just as warriors but to fight like brothers, by protecting each other in concept of “Walang Iwanan”.  This covenant was marked on each of the members left arm, to remind them of their pledge wherever they may go and or whatever they will do.   Thus, this covenant was not only exhibited in actual insurgent encounters but also in beer houses and clubs during R&R.  One of the DSCB members recalled to me his experience in Mindanao as member of the fraternity saying:

“Dese Nueve lang ako ng mapadpad sa Mindanao bilang army.  Parang  wild west ang Mindanao noon, mga sundalo nag-rarambol at nagbabarilan pag katapos uminom ng tinatawag naming noong, “AGUA de KULARAW” --- Pag may taktak kang Diablo ay nirerespeto ka, dahil alam nila na pag ikaw ay tinira, buong DIABLO SQUAD ang kalaban nila.”

During this year the brotherhood of the DIABLO SQUAD became notorious on its involvement in many “brawls” involving military personnel in both sides.  These incidents became very alarming to AFP higher ups, and, thus, the beginning of the harassments of its members, no more less than to its founder CIC Leborio Jangao Jr.  With this, he provoked ILT GIL K TAOJO JR to baby sit the brotherhood for him.  ILT GIL K TAOJO JR later hailed as SMF Lapulapu, was a military officer, and old friend, of the Diablo Squad founder, and so he had great confidence that the lieutenant will stand to foster the DIABLO SQUAD on his behalf.  He was the first military officer who was marked DIABLO SQUAD in 1980.


From: GFW, courtesy of NF Nice



ORGANIZATIONAn administrative and functional structure in a state of being organized.

SGF Lapulapu as he was hailed at that epoch drafted a Constitution and By-laws for the DIABLO SQUAD.  SGF Lapulapu believed that for the AFP to recognize the brotherhood as a legit organization, it must have clear and determined objectives, mission, vision and standard operating procedures for the sake of uniformity of actions in running its affairs.  He renamed in it DIABLO SQUAD the Crime Busters (DSCB).    1981. With the new charter finalized, the members convened and the propagation was set on its sails.  The Integration of the civilian arm, MAGIC GROUP who were lawyers at that time was conceded, and the unadorned brotherhood of soldiers that was born in Parang, Maguindanao, became a complicated functional structure.


INCORPORATION:  is the forming of a new corporation being a legal entity that is effectively recognized as a person under the law. The corporation may be a business, a non-profit organization, sports club, or a government of a new city or town. 

Contrary to what was expected by the FGF Abraham, FSGF Lapulapu was not able to repel the harassment of the military higher ups on the member of the DSCB, nor the other military officers that joined the brotherhood prior to 1984.  With this, FSGF Lapulapu decided to resign from military service to deliver the brotherhood from annihilation and to continue leading it while in civilian status.  On December 10, 1984; SGF Lapulapu and SGFC Patton and others registered the first legally recognized organization of the Diablo Squad brotherhood, under SEC registration 123899 as GUARDIANS BROTHERHOOD INCORPORATED, and automatically absorbed all members of the defunct DSCB organization.

From a complicated functioning structure, the brotherhood became a juridical person. A registered non-profit corporation/organization whose charter is geared towards national service to uphold, democracy, equality and justice; a little far from its purpose when the DIABLO SQUAD was born eight (8) years ago.


DISINTEGRATION


FACTIONSA group of persons forming a cohesive, usually contentious minority within a larger group or organization.

Just one year, after the registration of the GUARDIANS BROTHERHOOD INCORPORATED.  The GUARDIANS CENTRE FOUNDATION INC., was launched. The foundation was created supposedly to assist the GBI financially distressed members.  However, contrary to its purpose, GCFI totally disintegrates itself from the GBI and accepted members in the name of the GUARDIANS brotherhood.  The weak national leadership of the GBI, and the limited means of communication at the time, caused confusions amongst all the members of organization, thus, four (4) years after, the GBI chapter in General Santos city, stepped up and drafted a new Constitution and Bylaws for the organization twisting its charter into a more socially based non-government organization run mostly by the MAGIC GROUP for some reason it was not pursued until the year 1995. It was registered as Guardians Brotherhood Region XI Chapter Incorporated, SEC Registration DNO95-000521. 





One of the active GBI member of the time (1985 to 1989), who later joined the GCFI said:

“Noong mga panahon kasi nun, medyo insecure ang mga organic members ng GUARDIANS sa mga MG, sa dahilang karamihan sa mga MG noon ay matataas ang pinag-aralan, mga “bright boys” ika nga, at medyo aloft ang mga organic members sa kanila sa mga meetings, lalong lalo na yung mga opisyal.”

The GCFI on this period (1986 to 1989) continued to propagate in the name of the brotherhood and more military personnel who are mostly officers was admitted.  There were even, unconfirmed reports, that the armed revolution, 1989 kudeta, was mostly participated by its members.  Whether the foundation was used as front to recruit members for the RAM, it was never confirmed, nor proven, however after the 1989 Kudeta, GCFI became a lose gun.  It continued to propagate indiscriminately with civilian new members, and the word FACTION in the GBI organization was coined. For the span of 15 years from its creation GBI was divided in more than ten smaller groups totally independent from each other.  The most of recognized of all were the SGF Sierra- GCFI, Guardians Binay Group of Makati ,  a faction headed by actor/comedian Amay Bisaya having stuntmen under his group, Guardians H-World under General Royette Padilla and the Guardians Brotherhood, Inc headed by MSgt Yul Seron.




UNIFICATION


UMBRELLA ORGANIZATION: is an association of (often related, industry-specific) institutions, who work together formally to coordinate activities or pool resources. In business, political, or other environments, one group, the umbrella organization, provides resources and often an identity to the smaller organizations. Sometimes in this kind of arrangement, the umbrella organization is to some degree responsible for the groups under its care.

October 1999, the first unification efforts were carried out. SGF Gringo Honasan won his second term as Senator of the republic, decided to finally have his GUARDIANS marked the previous year.  There were speculations that the good senator will run for higher office in the next 2004 elections, thus, he solicits supports from the brotherhood hierarchy and became active in meetings and organizations, national convention.  


From: GFW, courtesy of Supremo Maverick





According to post in GUARDIANS FREE WALL as posted by a mysterious member “Gil Kiamco”, he said:

“Si Gringo ay nakargahan (kung iyan ang gusto mong tawag) noong 1998 lamang nang siya ay senador na. Inappoint siya na Presidente ng GBI ni "Abraham" pagkatapos ng kanyang Karga. nagkaroon ng conference sa Ozamis ang mga opisyal ng GBI at pumunta doon si Gringo kasama si "Abraham". Nagkitakita sila ni "Lapulapu" at " Patton" at kinumpirma ang appointment ni gringo bilang presidente. Nagpatawag ng national convention ang GBI sa green heights convention center sa Davao City noong 1999 at dinaluhan ito ng mga GBI kasama si "Abraham", Lapulapu at Patton at ibat-ibang myembro. Sa convention, napag usapan na bumuo ng PGI upang ang lahat ng guardians ay maging isa na lang. Ang CBL ay pinagtulungang gawin nina "Goyong" at mga abogadong myembro ng GBI at pinadala kay "Moulder" patungong Opisina ni Gringo sa senado upang ito ay marehistro. Ngunit ang nangyari ay nagpatawag ng panibagong summit si gringo na may isang delegado bawat region at dinisisyonan nilang baguhin ang CBL at pinarehistro bilang PGBI. Sa simula, ang akala ng lahat ay ito ang kanilang ginawang CBL sa Davao convention. Ngunit nalaman nilang ito nabago na at sina Lapulapu, Abraham at Patton ay naging adviser /consultant na lamang. Humiwalay na naman sina Lapulapu at Patton at bumalik uli sa GBI. Si Abraham naman ay namangka sa dalawang ilog. Sumama kay gringo habang kasali pa rin sa GBI.”

The efforts begot the PHILIPPINE GUARDIANS BROTHERHOOD INCORPORATED, SEC Registration A200008885. More than twenty smaller factions unite under the PGBI; however, the biggest of all, the GBI; withdrew its support and continued to lead its members under GBI SEC 123899, tagging their seal with the clause, “The first and the original”.  The withdrawal of the GBI top execs from the PGBI, made the umbrella organization’s national leadership, very weak, that in less than two years, its Vice Chairman for the Visayas,  now Cong. “MF Kadre” Alcover, broke away from the group and registered, New GUARDIANS Inc. (NGI). And then, the rest followed; “Elite”, “Reformed”, “Unified”, “Anti Crime”, “Royal” etc... All have the same repetitive words in their names “GUARDIANS” and “INCORPORATED”. 

BRANCH A lateral division or subdivision of certain organization.

The Guardians International Incorporated, headed by the DIABLO SQUAD founder Leborio “GMF ABRAHAM” Jangao, released a video which said, and I quote:

“Thus, the GUARDIANS general idea of unification, it emanated from the higher hierarchy of the organizations, but if it sought to be implanted among its BRANCHES, and groups; this idea of unification must be born again among them.  Meaning it must be understood by the FACTIONS, adjusted to their conditions and needs of the members and must take specific forms accordingly until it can truly be said the unification has been born among the members of the GUARDIANS” 

The statement above was followed by his declaration of the “branches”, and policies, provoking his “inherent powers” as the Grand Master Founder God Father.  A bold and very confident statement, that I am not sure if everyone understood clearly. 


CONTRASTING


Brotherhood and Incorporation

A brotherhood, is group of people in a state of being brothers who are associated or formally organized for a common purpose, interest, or pleasure, while an incorporations is an administrative, and functional structure in a state of being organized.

Branch and factions

Branch is a group of persons forming a cohesive, usually contentious minority within a larger group or organization, while a faction/s is group of persons forming a cohesive, usually contentious minority within a larger group (could be a brotherhood, a club or an organization).

Non-profit and profit organization

Ownership is the quantitative difference between for-profit and not-for-profit organizations. For-profit organizations can be privately owned and may re-distribute taxable wealth to employees and shareholders. By contrast, not-for-profit organizations do not have owners. They have controlling members or boards, but these people cannot sell their shares to others or personally benefit in any taxable way.

Expulsion and Condemnation

Expulsion, is the act of depriving a member of a body politic, corporate, or of a society, of his right of membership therein, by the vote of such body or society, for some violation of hi's. duties as such, or for some offence which renders him unworthy of longer remaining a member of the same, while condemnation is the act of judicially condemning, or adjudging guilty, unfit for use, or forfeited; the act of dooming to punishment or forfeiture. 



HYPOTHESIS

A composer and lead singer of a very popular band once quote: “To be one, to be united is a great thing. But to respect the right to be DIFFERENT is maybe even greater".

The GUARDIANS can be defined into two (2) dimensions.  First the GUARDIANS as brotherhood, the GUARDIANS as juridical persons, or commonly known as corporation/organizations (GBI, PGBI, NGI, DGMI, etc...).  And its definition could vary depending on whom and in what context it is being asked.  And so for the questions above my answers would be:

Is it a brotherhood?

I have to meet them (maybe personally or through internet) one by one, that I may fell that we are in state of being brothers. Brotherhood should mutual, and it involves a two way interaction between person or group of persons.

 Is it an Organization?

Yes, It is. The GUARDIANS are Organizations that can be traced in one common root.

Or, both?

In many Instances it is.

Is it a corporation?

Most of them, unless, otherwise not registered in SEC., as so.

How come it has so many names?

Because although they have the same traceable roots, they are recognized by the law as different juridical persons.

Are all GUARDIANS aggrupations the same?

On its first dimension; maybe, but on the second, definitely NOT.

Are they called branches, or factions?

Faction/s is more appropriate word than branches.

The most common confusions of the GUARDIANS are based on the majority of its member’s limited perception of what, and how truly the organization has become.  From the birth of the DIABLO SQUAD until the formation the many GUARDIANS organizations, we are continually misguided with misleading version of the history just make the organization look good, for someone leading it.   

And so with this, and with all due respect, I challenge the elders/leaders of the GUADIANS’s:  Speak only the truth and nothing but the truth in the most righteous way possible.   If you aim for genuine unification it should for no other reasons, but for the betterment of the GUARDIANS, and not for anything else.   EMPOWER the new generations by letting us know what really happened, and that we may understand and act upon it.  BLIND US NOT.  Speak the truth, and everything else will follow.

Akoy naniniwala ang mga GUARDIANS ay matatalino, pero marami sa atin ay bulag o di kaya’y nag-bubulag-bulagan.  Wag na tayong magpalinlang, wag nating hintayin na maubos hanggang sa huling patak ang dugo ng mga GUARDIANS. 

THOU SHALT NOT BE MISLED!


Henry “RMG Haze II” Dedicatoria
GUARDIANS BROTHERHOOD INC.
Singapore State Chapter
                                                          
 
Sources:
Webster On-line Dictionary
DSCB member Personal accounts
GBI Mainstream History
Corporation Code of the Republic of the Philippines
GUARDIANS FREE WALL